Pagtatatag ng isang Department of Water Resources, itinulak ni Pangulong Marcos

Pagtatatag ng isang Department of Water Resources, itinulak ni Pangulong Marcos

MULING itinulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatag ng isang Department of Water Resources.

Sa isang press statement, sinabi ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng naturang departamento, maitakda ang mga patakaran at ma-implementa ang mga structural reform sa pamamahala ng tubig na tutugon sa iba’t ibang isyu, partikular sa “kritikal” na suplay ng sariwang tubig sa bansa.

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang naturang pahayag sa ginanap na pulong kasama ang top officials ng Isabela Province, na nagpahayag ng suporta sa Chief Executive.

Samantala, natalakay rin sa nasabing pulong ang maraming programa para tugunan ang mga hamon na kinakaharap sa sektor ng agrikultura sa probinsya at sa buong Cagayan Valley.

Kabilang ang planong pagtatayo ng bagong dams maging ang rehabilitasyon sa mga naitayo nang dams.

Bukod dito, nais din ni Pangulong Marcos na pag-ibayuhin ang post-production at irrigation facilities maging ang renewable energy.

Follow SMNI NEWS in Twitter