Pagtatayo ng bagong power plant, pinaaaksyunan ni PBBM

Pagtatayo ng bagong power plant, pinaaaksyunan ni PBBM

INILAHAD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang magsimula nang gumawa ng hakbang ngayon upang maiwasan ang pagkaantala sa pagtatayo ng isang bagong power plant.

Ito’y lalo’t gumugugol ng mahabang panahon sa pagtatayo nito na aabot sa 7 taon.

 “And I said since the lead time for a new power plant, any kind of powerplant, is so long, we have to start doing something now. We have to start making those [bills?] now. Seven years eh. Hindi ko na maabutan. Pero we have to start already,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ang isa pang isyu ay ang gastos sa gasolina.

Ipinunto ni Pangulong Marcos na may mataas na presyo ng gas na hindi praktikal na magpatakbo ng mga power plant.

Kaya naman nais ng Pangulo na humanap ng paraan ang gobyerno upang matiyak na may sapat na power supply ang bansa kahit man lang sa maikling panahon.

Masusi ring tinalakay ang mga kapamaraanan kung paano magkaroon ng mababang electricity price.

“Also, we went, we spent a long time talking about how to bring down the prices. And we went down to the distribution, to the mix that they are doing. So we found a way na turuan ‘yung — there’s a way to rationalize your supply of power, the mix of supply of power,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Inihayag ni Pangulong Marcos na dapat agresibong kumilos ang pamahalaan upang tugunan ang short-term at long-term energy requirements ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter