Pagtatayo ng EDCA bases sa bansa, labag sa Saligang Batas—Dating Cabinet member ni Dating Pang. Marcos Sr.

Pagtatayo ng EDCA bases sa bansa, labag sa Saligang Batas—Dating Cabinet member ni Dating Pang. Marcos Sr.

HINIMOK ng dating Cabinet member ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ang kasalukuyang administrasyon na i-review ang pagpapatayo ng base militar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon kay Dating Minister of Public Information at Dating Senator Kit Tatad na labag sa Konstitusyon ang pagpapatayo ng EDCA bases sa bansa partikular na sa Article 18, Section 25.

Nakasaad dito na hindi na papayagan ang mga foreign military bases, troops at pasilidad sa bansa matapos ang pagkapaso ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong 1991.

“It violates the provision on extra territoriality. Binigyan natin ng kapangyarihan ang Amerika na manirahan sa ating estado against the Constitution and the basic law of nations,” ayon kay Francisco Tatad, Dating Senador.

Magtatapos na ang EDCA sa taong 2024 pero iginiit ni Tatad na kung walang aksiyon na gagawin ang gobyerno para i-review ito ay mapapalawig ang agreement na walang katiyakan.

Dagdag pa ng dating senador na kung hindi makakahanap ang gobyerno ng mga paraan upang paalisin ang mga dayuhang baseng militar sa bansa, pinapayagan lamang umano ng gobyerno ang Pilipinas na maging bahagi ng paghahanda ng Estados Unidos para sa digmaan laban sa China.

 “By creating the EDCA sites we have joined the US in its war preparations against China,” dagdag ni Tatad.

“Before we go deeper unto this mess, let us call now the leaders. Pag-usapan ang isyu na ito. Review. Revisit everything para makita kung saan sila nagkamali, kung paano iwawasto ito. Hindi pa huli, hindi pa tayo nagkakaputukan eh. Pwede pa na manawagan ang pangulo, upuan yung national security council niya,” ayon pa kay Tatad.

Estados Unidos, huwag hayaang diktahan ang foreign policy ng Pilipinas—Foreign Policy Expert

Samantala, may payo naman ang foreign policy expert na si Sass Rogando Sasot sa gobyerno na huwag hayaan ang Estados Unidos na diktahan ang foreign policy ng Pilipinas.

“Do not let the United States dictate your foreign policy. Kahit ayaw man nilang aminin o hindi, you know DFA you are an extension of the US State department,” pahayag ni Sass Rogando Sasot, Foreign Policy Expert.

“Stop looking at the world through the eyes of the United States,” ani Sasot.

Dagdag pa ni Sasot na dapat ang mga politiko ay matuto ng Asian history upang mabuksan ang kanilang kamalayan kung paano ang magiging takbo ng foreign policy ng Pilipinas.

“So start learning Asian history at kung bakit nagkaletse-letse dito sa Asian Region,” ayon pa kay Sasot.

“Stop watching American news. Read history books. And maybe you would open your mind and these also applies to our politicians dahil daming mga politicians diyan lalo na mga senador kung anu-ano ang mga pinagsasabi,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter