Pagtatayo ng integrated terminal sa bakanteng lupa ng GSIS sa QC Circle, target ng MMDA

Pagtatayo ng integrated terminal sa bakanteng lupa ng GSIS sa QC Circle, target ng MMDA

TARGET ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatayo ng isang integrated terminal sa bakanteng lupa ng Government Service Insurance System (GSIS) sa QC Circle.

Kaugnay rito ay nagsagawa ng ocular inspection si MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes kasama ang mga opisyal ng GSIS, at ilang mga city bus operator sa nasabing lupa.

Tinalakay ang planong pagpapagawa ng transport hub at parking area na makakatulong sa mga biyahero at motorista.

Pag- aaralan din ng MMDA, sa pakikipagtulungan sa LTFRB, ang mga ruta na gagamitin para sa inaasahang proyekto bilang bahagi ng traffic and development plan ng ahensiya.

Sinabi ni Artes na magpapatawag siya ng coordination meeting kasama ang Department of Transportation (DOTr) at  Quezon City LGU upang talakayin at iprisinta ang inilatag na conceptual design and plan para sa isasagawang integrated terminal.

Follow SMNI News on Rumble