PLANO ng National Housing Authority (NHA) na magbukas ng Kadiwa store sa loob ng resettlement sites katuwang ang Department of Agriculture (DA).
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, malaking bagay sa mga benipisyaryo na makabili ng mura at kalidad na pagkain mula mismo sa magsasaka.
Dahil dito, nakipagtulungan na si NHA Assistant General Manager Alvin Feliciano kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista para sa planong pagtatayao ng Kadiwa stores.
Target ng NHA na simulan ang pilot testing ng inisyatibo sa susunod na buwan bago ilunsad sa ibang bahagi pa ng bansa.