Pagtatayo ng karagdagang repacking center sa Mindanao, pinag-aaralan na ng DSWD

Pagtatayo ng karagdagang repacking center sa Mindanao, pinag-aaralan na ng DSWD

PINAPLANO na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtatayo ng isa pang repacking center sa Mindanao.

Ito ay para mapabilis pa ang pagresponde sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad.

At kinukonsidera ng DSWD ang lokasyon ng repacking center sa Mindanao.

Sa pamamagitan ng pagbubukas pa ng repacking center, matitiyak nito ang prepositioning ng relief goods para sa mga naaapektuhan ng kalamidad o anumang sakuna sa Mindanao.

Samantala, tumanggap naman ang DSWD ng mga bagong material handling equipment para sa repacking center sa National Capital Region.

Ito mula mismo sa United Nations – World Food Programme na katuwang ng ahensiya sa paghahatid ng humanitarian assistance sa bansa.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter