Pagtugon sa climate change, pagpapalakas ng MSMEs, food & energy security, tatalakayin ni PBBM sa APEC Summit

Pagtugon sa climate change, pagpapalakas ng MSMEs, food & energy security, tatalakayin ni PBBM sa APEC Summit

IHAHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) ang economic agenda at iba pang prayoridad ng Pilipinas.

Kabilang ang pagpapalakas ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at pagsusulong sa papel ng mga maritime crew at seafarers sa isang matatag na supply chain.

Kasama rin ang pagtutulak na aksyunan ang climate change, maging ang usapin ng seguridad sa pagkain at enerhiya.

Saad ni Pangulong Marcos, malaking oportunidad ang pulong na ito para sa ekonomiya ng bansa.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na makatutulong ito sa pag-abot ng pangarap ng bansa na magkaroon ng masaganang pamumuhay ang mamamayang Pilipino.

Tatagal ang naturang pagtitipon mula Nobyembre 16-19.

 

Follow SMNI News on Twitter