Pagtugon sa kalamidad ng tropa ng NOLCOM, pinuri ng AFP chief

Pagtugon sa kalamidad ng tropa ng NOLCOM, pinuri ng AFP chief

PINURI ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang mga tauhan ng AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) sa kanilang pagtugon sa nagdaang kalamidad sa Northern at Central Luzon.

Ito ay matapos ang pagbisita ni Bacarro sa Camp Aquino, Tarlac City, kung saan mainit siyang tinanggap ni AFP NOLCOM commander Lieutenant General Ernesto Torres Jr.

Ang pagbisita ni Bacarro ay bahagi ng kanyang regular na aktibidad upang  makipag-ugnayan sa mga kumander at mga sundalo.

Sa kanyang pagharap sa tropa ng NOLCOM, binigyang-diin ni Bacarro ang bilin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa pagwawakas ng insurhensya at pagtiyak sa kapayapaan, seguridad at pag-unlad sa pamamagitan ng “whole of nation approach.”

Hinikayat din nito ang mga sundalo na patuloy na gawin ang kanilang makakaya at pagsisikap upang matupad ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Follow SMNI NEWS in Twitter