Pagtulong-tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan epektibo sa pagsugpo sa terorismo—AFP

Pagtulong-tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan epektibo sa pagsugpo sa terorismo—AFP

MULING napatunayan ng Armed Forces of The Philippines (AFP) na epektibo ang ginagawang whole of the nation approach ng pamahalaan laban sa mga Communist Terrorist Group (CTG) at local terrorist group dito sa bansa.

Sa ginawang Mid-Year Command Conference sa Kampo Aguinaldo ay iprinisenta ng AFP sa pangulo ng bansa ang mga naging katagumpayan nila laban sa armadong pakikibaka.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. pababa ng pababa ang bilang at pwersa ng mga terorista.

Nauna nang sinabi ng Philippine Army sa SMNI News na ngayong taon palang ay daan-daang armas na ang kanilang narekober at daan-daan na rin ang mga terorista mula sa CTGs at LTGs ang kanilang na-neutralized.

Binigyang-diin ni Gen. Brawner na epektibo ang pagkakaisa ng bawat ahensiya ng pamahalaan upang solusyonan ang insurhensisya at dahil dito kanila itong ipagpapatuloy.

Samantala, patungkol naman sa pahayag ni Sen. Imee Marcos kaugnay sa mga missiles na nakatutok na sa dito sa bansa, patuloy pa anila ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa senador at sa ibat ibang security sector para makapagbigay sila ng tamang detalye patungkol sa isyu.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble