Pagtutupad sa target programs para sa agricultural sector, tiniyak ni Pangulong Marcos

Pagtutupad sa target programs para sa agricultural sector, tiniyak ni Pangulong Marcos

SINIGURADO ni Pangulong Bongbong Marcos na tutuparin ng pamahalaan ang target goals nito para sa sektor ng agrikultura.

Inilahad ni PBBM na nagkaloob ang gobyerno ng inputs gaya ng mga binhi, fertilizers, fingerlings, livestock, machinery equipment at facilities bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang pa sa mga programa ng pamahalaan ang pinalawak na irrigation programs, pagtatag ng KADIWA outlets, pagbuo ng food logistics hubs at agri-trading centers.

Gayundin ang pag-organisa at pagtulong sa mga kooperatiba at asosasyon para sa procurement ng reefer vans, freezers, chillers at iba pang logistical support.

Ito ay upang matulungan ang mga magsasaka na episyenteng mai-transport ang kanilang mga produkto sa mga konsyumer.

Bukod dito, nagkaloob din ang gobyerno ng iba’t ibang uri ng tulong tulad ng rice farmers financial assistance at fuel discount program sa mga magsasaka at mangingisda.

Follow SMNI NEWS in Twitter