Pagtuturok ng COVID-19 vaccine booster para sa mga malulusog na batang edad 12-17, posible sa Biyernes o Sabado

Pagtuturok ng COVID-19 vaccine booster para sa mga malulusog na batang edad 12-17, posible sa Biyernes o Sabado

POSIBLENG simulan sa Biyernes o Sabado ang pagtuturok ng booster shot sa mga malulusog na batang edad 12-17 anyos.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje na 5 buwan ang kinakailangang interval mula nang maturukan ng kanilang second dose.

Ayon kay Cabotaje, sinimulan na ngayong araw ang pagtuturok ng booster shot sa batang edad 12-17 anyos na immune  compromised.

Nasa 28 araw naman ang kinakailangang interval mula nang maturukan ng 2nd dose.

Sinabi ni Cabotaje na inuna muna ang mga immune compromised upang maiwasan ang kalituhan.

Sinabi rin nito na Pfizer lamang ang bakunang maaaring iturok para sa nasabing age group dahil ito pa lamang ang may Emergency Use Authorization (EUA).

 

BASAHIN:

COVID-19 booster shot para sa mga immuno compromised na mga bata edad 12-17, gumulong na

DOH, nakatakdang maglabas ng guidelines ng COVID-19 booster shot para sa edad 12-17

 

Follow SMNI News on Twitter