Pahayag ng human rights group na walang nabago sa kampanya laban sa illegal drugs, kinontra ng DOJ

Pahayag ng human rights group na walang nabago sa kampanya laban sa illegal drugs, kinontra ng DOJ

NILINAW ngayon ng Department of Justice (DOJ) na magkakaiba ang approach ng Marcos administration sa pakikipaglaban sa iligal na droga.

Ito ang pahayag ni Justice Secretary Crispin Remulla, kasunod ng ulat ng grupong Human Rights Watch na nagsabing wala umanong pagbabago ang sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Naniniwala ang DOJ na iba na ang human rights situation ngayon sa bansa partikular sa war on drugs, pero maaari naman aniyang kausapin muli ang pulisya sa mga metodolohiya ng mga ito.

Gayunman ay iba-validate na rin anila ng DOJ ang nasabing ulat at mga impormasyon na inilabas ng human rights group.

Tiniyak naman ni Remulla na hindi tinutulugan ng gobyerno ang mga kaso ng extrajudicial killings, katunayan ay patuloy ang mga imbestigasyon at pagdinig sa mga nasabing kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter