Pahayag ng UN na kulang ang aksyon ng Pilipinas hinggil sa child exploitation, kinontra ng DOJ

Pahayag ng UN na kulang ang aksyon ng Pilipinas hinggil sa child exploitation, kinontra ng DOJ

IGINIIT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sapat ang ginagawang aksyon at mga programa ng Pilipinas sa paglaban sa online sexual abuse and child exploitation.

Kasunod ito sa sinabi ng ‘United Nations on the sale and sexual exploitation of children’ na may kakulangan ang Pilipinas sa pagtugon sa isyu ng pang-aabuso sa mga kabataang Filipino.

Ayon kay Mama Fatima Singhateh, hindi sapat ang mga kasalukuyang batas ng Pilipinas para protektahan ang mga batang Filipino mula sa pang-aabuso.

Kulang na kulang din umano sa mga korte na tututok sa mga kaso hinggil dito at kulang din sa pangangalap ng datos tungkol sa mga insidente ng pang-aabuso.

 

Follow SMNI News on Twitter