PINALAGAN ng ilang political vloggers ang pahayag kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na araw-araw siyang sumasakay ng MRT.
Ito ang dahilan kung bakit alam aniya ang hirap na nararamdaman ng mga komyuter tuwing bumibiyahe.
Ayon pa sa isang political vlogger na si Pareng Jay, nagsisinungaling na naman ang Pangulo sa kaniyang mga pahayag dahil alam naman ng lahat na hindi ito nakapag-commute.
Matatandaan na sa isang podcast ni BBM ay sinabi nito na araw-araw aniya siyang gumagamit ng MRT upang makaiwas sa trapik.