Assalamu Alaykum!
Maligayang Kainang Pamilya Mahalaga Day!
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang pagsasama-sama sa hapag-kainan ng mga pamilyang Pilipino. Pagkakataon ito upang pagnilayan natin ang kahalagahan ng simpleng pagsalo-salo ng biyaya na okasyon din para sa pagbuo ng mga alaala bilang isang pamilya na nagmamahalan.
Ang Kainang Pamilya Mahalaga Day ay sumasalamin sa payak na pamumuhay ng maraming pamilyang Pilipino at sa pagtataguyod ng masagana, mapayapa, at matatag na pamumuhay. Gayunpaman, paalalahanan sana tayo ng pagdiriwang na ito sa hinaharap na krisis sa pagkain ng maraming Pilipino.
Hangad ko na sana ay makaranas ng ginhawa ang mga Pilipino, lalo na ang may mga karamdaman at nahihirapan sa buhay. Muli, isang maligayang Kainang Pamilya Mahalaga
Day sa ating lahat!
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
23 SEPTEMBER 2024