IPINAHAYAG ni Vice President Sara Duterte na napakahalaga sa kaniya na malaman ng taumbayan ang Office of the Vice President (OVP) budget proposal.
“Napakahalaga sa akin na malaman ng taumbayan ang Office of the Vice President budget proposal.”
“Kaya nga bago kami pumunta sa Senate at sa House of Representatives, ay pinublish namin ‘yung budget proposal namin sa aming website at sa social media platforms.”
“Ginawa namin siyang madaling intindihin ng taumbayan, kung saan papunta ‘yung budget proposal ng Office of the Vice President,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.