Pakistan, nakaranas ng malawakang power outage

Pakistan, nakaranas ng malawakang power outage

NAKARARANAS ng malawakang power outage ang Pakistan ngayong araw, January 23, 2023 dahil sa nangyaring breakdown ng kanilang national grid.

Saklaw ng power outage ang mga siyudad gaya ng Karachi, Islamabad, Lahore, at Peshawar.

May nangyayari ding frequency variation sa katimugang bahagi ng Pakistan gaya ng lungsod ng Jamshoro at Dadu.

Sa kabila nito ay naibalik naman ang suplay ng kuryente sa ibang bahagi ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter