PAL at AirAsia, magkakaroon ng bagong terminal assignment sa NAIA

PAL at AirAsia, magkakaroon ng bagong terminal assignment sa NAIA

TINIYAK ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tutukan nito ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.

Para tiyaking hindi magdadagsa ang mga pasahero partikular na sa NAIA Terminal 2 at 4 ay nagdesisyon ang MIAA na ilipat ang ibang terminal ang ilang ruta ng Philippine Airlines at Air Asia.

Ayon sa anunsyo ng Philippine Airlines, epektibo ngayong December 1, 2022 ang mga flight na  papunta at mula sa United States, Guam, Canada, Doha, Qatar, at Bali, Indonesia  ay lilipat sa NAIA Terminal 1 mula sa NAIA Terminal 2.

Habang mananatili naman sa NAIA Terminal 2 ang ibang domestic at international flights ng PAL sa NAIA Terminal 2.

Paliwanag ng PAL, ang paglipat ng mga nabanggit na ruta sa Terminal 1 ay alinsunod sa operational requirements na itinakda ng pamahalaan bilang paghahanda ngayong Kapaskuhan.

Ang mga sumusunod na international flights ng PAL ay sa NAIA Terminal 1 naka assign ito ay ang:

T1 – NAIA Terminal 1:Departures and Arrivals: Bali, Dammam, Dubai, Doha, Riyadh, Toronto, Vancouver, Los Angeles, San Francisco, New York, Honolulu at Guam.

Habang ang mga iba pang flight ng PAL na naka assign naman sa NAIA Terminal 2 ang sumusunod:

T2 – NAIA Terminal 2: Departures and Arrivals: All PAL domestic flights: Bangkok, Brisbane, Busan, Fukuoka, Tokyo (Haneda), Hanoi, Ho Chi Minh City (Saigon), Hong Kong, Jakarta, Osaka (Kansai), Kuala Lumpur, Macau, Melbourne, Tokyo (Narita), Phnom Penh, Port Moresby, Seoul (Incheon), Singapore, Sydney, Taipei at Wuhan.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, humigit-kumulang 7,000 ang inaasahang pasahero araw-araw ang madadagdagan sa Terminal 1 kung saan ang average na dami ng pasahero sa kasalukuyan ay nasa 13,000 bawat araw.

Paliwanag ni Chiong, nasa 30% ng kapasidad ng pre-pandemic level ang kasalukuyang operasyon ng NAIA Terminal-1.

Dagdag ng MIAA General Manager na ang karagdagang 7,000 pasahero araw-araw na ililipat sa Terminal-1 ay manageable at wala dapat ikabahala ang publiko.

Binigyang-diin ng MIAA Management na ang mga check-in procedure na ginagamit sa Terminal 2 ay pananatilihin at ipatutupad sa NAIA Terminal 1.

Pinapayuhan pa rin ang mga pasaherong patungo sa US na magbigay ng sapat na oras para sa TSA-mandated secondary checks at iba pang security inspection bilang requirement sa lahat ng US bound flights.

Para sa mga pasahero ng PAL na darating sa NAIA Terminal 1 na may connecting flights sa NAIA Terminal 2, ang airline ay magbibigay ng shuttle service para sa kanila habang ang iba naman na may connecting international o domestic flights sa NAIA Terminal 3 at NAIA Terminal 4 ay maaaring kumuha ng complimentary MIAA shuttle service para dalhin sila sa nasabing mga terminal.

Kinumpirma rin ng MIAA at AirAsia Philippines na simula December 16, 2022, ang mga flight ng AirAsia na mula at papunta ng Cebu at Caticlan ay ililipat sa NAIA Terminal 3 mula sa NAIA Terminal 4

Ayon sa MIAA, ang paglilipat ay mababawasan ng  40% ng pang-araw-araw na dami ng pasahero ng AirAsia mula sa Terminal 4 nang sa gayo’y mapabubuti ang sitwasyon sa Pre-Departure Area ng terminal kung saan karaniwang nararanasan ang pagsisikip.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter