PAL, magbabawas ng 2,300 empleyado dahil sa pandemya

KINUMPIRMA ni Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villaluna na aabot sa kabuuang 2,300 na mga manggagawa o katumbas ng tinatayang 30% ng kanilang workforce  ang mawawalan ng trabaho.

Ayon kay Villaluna itoy kasunod  na pinatutupad ng bagong round ng workforce reduction sa mga kawani kabilang na ang boluntaryo at sapilitang retrenchment.

Mananatili na lamang sa trabaho ang mga apektadong empleyado ng PAL hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Marso.

Aminado din si PAL President Gilbert Sta. Maria na bago ang nasabing tanggalan sa trabaho, sinikap ng kompanya na ipatupad ang temporary furloughs, at ang flexible working arrangements para pigilan ang pagtigil sa trabaho ng mga kawani at matiyak na makatatanggap pa ng sahod at benepisyo ang mga ito.

Gaya na lamang ng medical benefits at iba pa.

Ayon din kay Sta. Maria na una na nilang naabisuhan ang mga manggagawa hinggil  sa mangayayaring retrenchement nito pang nakalipas na taon ng Oktubre.

Ani Sta. Maria, ginawa ang retrenchment matapos ang konprehensibong  system-wide review process dulot ng kinakaharap pa din na  pandemya.

Kung saan  labis na nakaapekto sa airline industry hindi lamang sa bansa maging  sa buong mundo.

Sa kabila ng naturang retrenchment ay tiniyak naman ng PAL na tuloy tuloy naman ang kanilang scheduled services gaya ng special repatriation flights nito para sa mga kababayan na apektado din ng pandemya.

Partikular na mula sa mga bansang Middle East, Europe, North America at sa iba’t ibang bahagi ng Asia.

Patuloy pa din ang operasyon ng PAL para sa cargo services nito.

Nakahanda din na sumuporta ang PAL para sa transportasyon ng COVID -19 vaccines kung ito available na.

Pinaabot naman ng tagapamuno ng PAL ang taos-pusong pasasalamat sa ilang taong  serbisyo ng mga empleyado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.