PAL, patuloy na nakamonitor sa posibleng pagtama ng Bagyong Noru sa Vietnam at Thailand

PAL, patuloy na nakamonitor sa posibleng pagtama ng Bagyong Noru sa Vietnam at Thailand

PATULOY na nakamonitor ang Philippine Airlines (PAL) sa mga bansa na posibleng tatama ang Bagyong Noru sa Vietnam at Thailand.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, sa ngayon ang biyahe nitong papuntang Hanoi ay magpapatuloy sa iskedyul nito mamayang alas 10:25 ng gabi.

Habang ang iba pang mga biyahe nito gaya ng Thailand ay patuloy na minomonitor.

Sa ngayon wala pa naman naitalang may kanseladong flight patungo sa mga lugar na nabanggit.

 

Follow SMNI News on Twitter