Palakasan System sa IRM Funding pinabulaanan ni Health Sec. Duque

Palakasan System sa IRM Funding pinabulaanan ni Health Sec. Duque

ITINANGGI ni Health Secretary Francisco Duque ang ‘Palakasan System’ sa pagre-release ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) na mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang isa sa mga nilinaw ng kalihim sa pangatlong pagdinig ng Senado at sa unang beses na pagdalo ng pagdinig ni Duque.

Aniya, tinitiyak niyang walang palakasan sa pagbibigay ng IRM sa mga ospital.

Sa datos, ang Philippines Medical Center ang nakakuha ng pinakamalaking pondo mula sa latest IRM ng ahensya na nakakuha ng P326 million, sumunod ang UP-Philippine General Hospital na may P263 million na nakakuha ng P209 Million.

Nilinaw din ni Duque na ang lahat ng health care institutions ay maaaring makakuha ng IRM Funds at hindi lamang ang mga hospital na accredited sa pagtanggap ng COVID patients alinsunod sa probisyon ng National Health Insurance Act at Universal Health Care.

Pero sinabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson na walang nakasaad sa rationale ng latest IRM ng PhilHealth sa  Circular No. 2007-0007 na ang IRM Funds ay hindi lamang eksklusibo sa pagtugon sa COVID- 19 pandemic.

Muling inungkat din ni Lacson ang Braun Avitum isang Free Standing Dialysis Center na nakuha ng P45- M IRM funds gayong hindi ito accredited hospital para sa COVID patients.


Ayon pa kay Lacson, ang IRM ay ginawa para sa mga fortuitous event gaya ng Ondoy, Yolanda at Marawi Siege at pinapalawig lamang sa COVID-19 pandemic.

Samantala, maliban naman sa palakasan system ng IRM ay sinabi ni Duque na hindi totoong may P153 billion na nawala sa ahensya dahil sa fraud.

Aniya, mismong si COA Chairman Aguinaldo ang nasabing walang ganitong report na lumabas sa kanilang COA Report.

Matatandaan na si Duque ay naging bahagi na ng PhilHealth simula pa noong taong 2001 bilang President and Chairman ng PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.