Palasyo, binanatan ang mga nagpapakalat ng fake news sa gitna ng muling pagsirit ng COVID-19 cases

Palasyo, binanatan ang mga nagpapakalat ng fake news sa gitna ng muling pagsirit ng COVID-19 cases

BINANATAN ng Malacañang palace ang mga nagpapakalat ng fake news sa gitna ng muling pagsirit ng COVID-19 cases.

Ayon kay Palace acting Spokesperson Cabinet Sec. Karlo Nograles may nagpapakalat ng fake news na voice message mula sa isang babae na sinasabing muling ipapatupad ang total lockdown at magkakaroon ng martial law ang bansa dahil sa surge, bagay na hindi aniya totoo.

‘’Sa mga walang magawa… hindi po ito nakakatulong,’’ayon kay Nograles.

Pinabulaanan din ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ulat na may ikinakasang martial law para mapigilan ang transmission ng virus.

Kaya naman payo ni Nograles ngayon sa publiko.

‘’Please get your… credible sources only,’’dagdag nito.

SMNI NEWS