Palasyo, hinimok ang mga mambabatas na sumailalim sa self quarantine

HINIMOK ng Palasyo ang lahat ng mga mambabatas na nakasalamuha ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na sumailalim sa 14-days self quarantine.

Ito ay matapos kumipirmahin ni Yap na nagpositibo ito sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) kahapon.

Ayon kay Spokesperson Salvador Panelo, kailangang sumunod sa quarantine protocols ang mga mambabatas na nakasalamuha ni Yap sa ginawang pulong sa Malakanyang at special session sa Kongreso.

Ikinakalungkot din aniya ng Palasyo ang medical condition ni Yap at nananalangin itong magamot agad ang kongresista.

Nagpahayag naman si Budget Secretary Wendel Avisado at Social Secretary Rolando Bautista na sasailalim sila self quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.