Palasyo, itinangging lumabas ng bansa si Pangulong Duterte

Palasyo, itinangging lumabas ng bansa si Pangulong Duterte

MARIING itinanggi ng Palasyo na lumabas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para magpagamot sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque, mahigpit na naka-monitor sa COVID-19 pandemic sa bansa at hindi ito lumabas ng bansa.

Hindi naman malinaw kung saan nagmula ang ulat na lumabas ng bansa si Duterte para magpagamot dahil sa nasabing virus.

Ngayong araw ay inaasahang ihahayag ng presidente ang quarantine qualification sa National Capital Region, gayundin sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal matapos na mag-expired ang ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine sa naturang mga lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.