NIYANIG ng magnitude 4.8 na lindol ang Palauig, Zambales, kaninang alas 3:16 ng hapon.
Naitala ang pagyanig sa 26 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Palauig.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 46 kilometro.
Naitala ang Intensity 3 sa Quezon City habang Instrumental Intensity 3 sa Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino, Zambales.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.