MANANATILING isang probinsiya ang Palawan matapos manalo ang botong ‘No’ sa isinagawang Palawan plebiscite.
Iprinoklama ang panalo ng ‘No’ ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) matapos na mabilang ang 22 sa 23 munisipyo.
Umabot sa 172,304 mga botante ang ayaw na hatiin ang Palawan sa tatlong probinsiya mahigit sa 50,000 ang lamang mula sa 122,223 na bumoto ng ‘Yes’ base sa official partial result para sa ratipikasyon ng Republic Act 11259, o ang Act Dividing the Province of Palawan sa tatlong probinsiya: Palawan Oriental, Palawan del Norte, at Palawan del Sur.
“On the basis of the foregoing, we hereby proclaim to ratify the division of the province of Palawan pursuant to Republic Act No. 11259 was rejected and disapproved on the basis of the votes cast in the province of Palawan on March 13, 2021, “ pahayag ng PBOC.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Antonio Kho, Commissioner-in-Charge ng plebisito sa publikong lumahok at sa mga tumulong sa kanila para matagumpay na maisagawa ang referendum.
“We’d like to congratulate the voters for participating actively in this vote. Based on the estimates we have achieved a 60 percent voters’ turnout,” aniya pa.
“We’d like also to extend our appreciation and thanks to the teachers, who participated, who helped us conduct this election. Our peace officers and security officers from the AFP as well as the police,” dagdag ni Kho.
Sa 23 munisipyo, 22 lamang ang certificate of votes ang nabilang.
Hindi na hinintay pa ng PBOC ang certificate of votes mula sa munisipyo ng Kalayaan islands matapos nag-apela ng isang mosyon ang oppositor na itigil na ang canvass matapos ang malaking agwat ng bilang ng bumoto ng ‘No’.
(BASAHIN: Underground river sa Palawan, bubuksan na sa lokal na turista)