Palayain sina Ka Eric at Doc. Lorraine—SAMBAYANAN

Palayain sina Ka Eric at Doc. Lorraine—SAMBAYANAN

BUMUHOS ang iba’t ibang pakikiisa at suporta ng malawak na mamamayan para ipanawagan “Palayain sina Ka Eric at Doc. Lorraine” at magkaisa para tapusin ang totoong problema at salot ng lipunang Pilipino, ang teroristang CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Ka Winie Doblizo, Jr. ang Pambansang Tagapangulo ng SAMBAYANAN, isang malawak na samahan ng mga dating kadre, rebelde, taga-suporta, at kanilang mga pamilya,

“Kaisa kami nila Ka Eric, Doc. Lorainne Badoy, at ng Programang Laban Kasama Ang Bayan – SMNI sa pagtatanggol ng demokrasya at pagtataguyod ng kapayapaan para sa kaunlaran ng ating bayan at kapakanan ng mamamayan laban sa mga CPP Urban Operatives sa Kongreso na sumisira at nangwawasak ng pagkakaisa ng mga mamamayan at ng mga mambabatas upang ilihis ang atensyon sa totoong problema ng lipunan, ang Teroristang CPP-NPA-NDF.”

Marubdob na umaapila ang SAMBAYANAN at iba’t ibang organisasyon sa ating mga butihing mambabatas na ikonsidera ang kanilang mga naging desisyon sa paggawad ng contempt kina Ka Eric at Doc Lorraine, dahil ang mga TERORISTANG CPP-NPA-NDF at kanilang mga kasabwat lamang ang tanging magdidiwang at makikinabang sa lahat ng mga ito at muling mamayagpag sa publiko ang mga naratibo at propaganda ng mga teroristang CPP-NPA-NDF kung mananatili at magtatagal sa detensyon ang mga TV anchors ng Laban Kasama Ang Bayan – SMNI.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter