Palestinian Amb. to UN, may panawagan sa Non-Aligned Movement hinggil sa Israel-Gaza War

Palestinian Amb. to UN, may panawagan sa Non-Aligned Movement hinggil sa Israel-Gaza War

NANANAWAGAN ang Palestinian Ambassador to the United Nations sa mga miyembro ng Non-Aligned Movement sa Kampala, Uganda, East Africa na mas hikayatin pa ang Israel na magpatupad ng ceasefire sa Gaza.

Ang Non-Aligned Movement ay nabuo nang bumagsak ang colonial systems noong panahon ng Cold War o noong 1945 hanggang 1991.

Malaki ang naging ambag ng Non-Aligned Movement sa pagkakaroon ng decolonization kung kaya’t dito umaapela si Rayid Mansour ng Palestine.

Kaugnay rito, ang South Africa ang naghain ng kaso laban sa Israel sa International Court for Justice dahil sa mistulang genocide na ang ginagawang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Ayon kay Mansour, lubos ang pasasalamat ng mga Palestinian sa ginawang ito ng South Africa.

Sa panig ng Israel, determinado silang ipagpatuloy ang mga pag-atake sa Hamas militant group ng Palestine at layunin nilang maubos ang mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble