Pamahalaan, hinimok ang publiko na makiisa sa Bakunahang Bayan sa September 26-30

Pamahalaan, hinimok ang publiko na makiisa sa Bakunahang Bayan sa September 26-30

HINIKAYAT ng pamahalaan ang publiko na makiisa sa Bakunahang Bayan sa darating na Setyembre 26-30.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), pakikiisa na rin ito sa PinasLakas campaign ng Department of Health (DOH) para sa pagpapataas ng booster vaccination rate.

Saysay ng OPS, partikular na hinimok ng DOH ang mga indibidwal na may edad 12-49 na magpa-booster na.

Habang ang priority groups na healthcare workers, indibidwal na 18-49 years old na may comorbidities at mga nasa edad 50 pataas, ay inabisuhan na kumuha na ng kanilang second booster shot.

Binigyang-diin ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster dose bukod pa sa primary doses para mas lalakas pa ang proteksyon laban sa COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter