Pamahalaan, may katungkulan na protektahan ang publiko -Dr. Padilla

Pamahalaan, may katungkulan na protektahan ang publiko -Dr. Padilla

MAY katungkulan ang pamahalaan na magpatupad ng mga patakaran laban sa COVID-19 para protektahan ang publiko  ayon sa isang doktor.

Ayon kay Dr. Minguita Padilla sa panayam ng SMNI News, ito ang dahilan kung bakit may ipinatutupad na mga panuntunan upang matulungang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, kung hindi man magpapabakuna ang isang indibidwal laban sa COVID-19, mas mainam na sundin nalang nito ang patakarang inilatag.

Ito ang naging reaksyon ni Dr. Padilla hinggil sa pagkamatay ng dalawang indibidwal na hindi bakunado dahil sa Omicron variant.

Ayon pa kay Dr. Padilla, hindi naman permanente ang kasalukuyang patakaran hinggil sa COVID-19.

Mas maganda aniya kung tiisin nalang muna ng tao ang mga restriksyon dahil tiyak na lilipas lang din ito.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal ang patakarang “no vax, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) dahil isang uri umano ito ng diskriminasyon sa mga hindi bakunado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter