Pamahalaan, may libreng pabahay sa ilang PCG personnel

Pamahalaan, may libreng pabahay sa ilang PCG personnel

BIBIGYAN ng libreng pabahay ang lahat ng uniformed personnel ng bantay-dagat ng bansa sa ilalim ng kasunduan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ayon sa DHSUD, ang PCG ang kauna-unahang uniformed personnel na benepisyaryo ng Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino (4PH) program sa ilalim ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing prayoridad ang kapakanan ng uniformed services ng bansa.

Buong pasasalamat naman ang ipinaabot ni PCG commandant, CG Admiral Artemio Abu sa DSHUD.

Sa tulong na ito sa kanilang hanay kasabay ng pangako na pagbubutihin pa nila ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter