Pamahalaan, nag-alok ng trabaho sa mga media personnel na natanggal sa trabaho

Pamahalaan, nag-alok ng trabaho sa mga media personnel na natanggal sa trabaho

NAKAHANDANG tumanggap ang pamahalaan ng mga media personnel na natanggal sa hanapbuhay sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, may mga bukas na posisyon sa trabaho sa Palasyo para sa media employees na nawalan ng pagkakakitaan.

Partikular na binanggit ng tagapagsalita ng Palasyo na ang mga natanggal sa hanapbuhay dahil sa pagsasara ng ABS-CBN Broadcasting Network matapos bigong ma-renew ang prangkisa nito.


Dagdag pa ni Roque, naghahanap ang kanyang tanggapan, ang Office of the Presidential Spokesperson, ng mga cameramen, writers, at iba pang production crew.

Maliban dito, hinahanapan na rin ng gobyerno ng trabahong pwedeng maialok para sa mga empleyado ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na mapapasama sa naunang inanunsyo na retrenchment.

Matatandaang nagpaliwanag ang pamunuan ng LRt-1 na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang operasyon ng tren kung kaya bumaba ang kita at kailangan nilang magbawas ng empleyado.

Kaugnay nito, makahihinga na nang maluwag ang mga empleyado ng LRT-1 dahil hindi na matutuloy ang tanggalan sa trabaho sa kompanya.

Sa pinakahuling anunisyo ng pamunuan ng LRMC, gagawa sila ng hakbang at estratehiya upang masuportahan pa rin ang mga manggagawa kahit bagsak na ang kita bunsod ng kaunting pasahero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.