Pamahalaan, nakahanda na sakaling itaas sa alert level 4 ang NCR

Pamahalaan, nakahanda na sakaling itaas sa alert level 4 ang NCR

TINIYAK ni acting Presidential Spokesman at Cabinet secretary Karlo Nograles na handa na ang pamahalaan sakaling isailalim sa alert level 4 ang National Capital Region (NCR).

Ito ay makaraang makapagtala ng higit 100,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinabi pa ni Nograles na matagal nang inihahanda ng pamahalaan ang mga ospital sakaling dumating sa worst case scenario ang kaso ng COVID-19 partikular sa NCR.

Maging sa hanay ng mga healthcare workers ay nagpapatuloy ding minomonitor ng pamahalaan.

Nauna na rin nilang ipinanawagan sa mga ospital na taasan ang kanilang kapasidad para sa mga COVID patients at ang kanilang temporary treatment and monitoring services.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.