UMABOT sa halos P72-M halaga ng ayuda ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad sa Mindanao.
Ito ang inulat ng Office of the Civil Defense (OCD) kasabay ng pagtitiyak na nakarating na sa mga apektado ang tulong ng pamahalaan.
Sa ilalim ito ng utos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
Batay sa ulat ng NDRRMC magbuhat kahapon, Pebrero 11, pumalo na sa 113, 463 na pamilya ang apektado sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, nakapagtala rin ang NDRRMC ng nasa 71.9 o halos P72-M halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, maliban sa mga rehiyon ng Davao, matindi ring nasalanta ang CARAGA kaya naman puspusan ang ginagawang relief operations sa mga apektadong lokalidad.
Sa ngayon nananatiling naka-Blue alert ang NDRRMC Operations Center para mahigpit na tutukan ang sitwasyon sa mga binahang lugar.