Pamahalaan tikom ang bibig sa posibilidad na maging COVID-19 hotspot ang Pilipinas sa Southeast Asia

Pamahalaan tikom ang bibig sa posibilidad na maging COVID-19 hotspot ang Pilipinas sa Southeast Asia

MAHIRAP pang sabihin na posibleng maging COVID-19 hotspot ang Pilipinas sa buong Southeast Asia.

Ganito tugon ng President at CEO National Action Plan Against COVID-19 Sec. Vince Dizon matapos tanungin ang kalihim sa obserbasyon ng isang international newspaper na The Straits Time.

Ayon sa artikulo, hindi malayong maging hotspot sa COVID-19 ang bansa dahil sa pagkakatala nito ng pinamakataas na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Cosmoswithlove

August 4 nang magtala ang bansa ng 6,352 COVID-19 cases hanggang sa nadagdagan ng panibagong bilang ng kaso at sumampa na ito sa 116, 000 na may 66, 270 recovered at 2,123 deaths.

Pero aminado si Dizon, na naging contributing factor sa lumalaking bilang ngayong ng COVID-19 positive dahil sa malawakang rapid testing na ginagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Giit pa ng kalihim, iba ang panuntunan na ginagawa ng Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 kumpara sa ibang bansa sa hilagang kanlurang bahagi ng Asya.

Woodprofit

Sa katunayan ani Dizon, ang Pilipinas ang may pinakamataas na COVID-19 tests na ginagawa sa isang araw, na mas mataas kaysa sa ibang bansa sa nasabing rehiyon.

Ayon sa kanilang datos, nakakaya na ng bansa na makapag-test ng tatlumpong libong tests kada araw.

Sa tala ng National Action Plan for COVID-19, nasa 1.7 million na ang nai-test ng pamahalaan at mahigit sa isang milyon dito ay karamihan mula sa National Capital Region.

PHOTO JOB

Dagdag pa ng mga opisyal ng National Task Force for COVID-19, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng testing sa iba’t ibang panig ng bansa upang matukoy ang sinuman na apekatdo ng COVID-19 at agarang malapatan ng karampatan aksiyon para maiwasan o kung hindi man ay mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.