Pamahalaan, walang binayaran para sa private sector na sumama sa Switzerland –negosyante

Pamahalaan, walang binayaran para sa private sector na sumama sa Switzerland –negosyante

NILINAW ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na ang mga negosyante na kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagbayad ng kanilang expenses papuntang Davos, Switzerland.

Ibinahagi ito ni Concepcion sa panayam ng SMNI News bilang tugon ni Concepcion sa mga ulat na pinasama ang mga negosyante sa Switzerland kahit hindi naman kailangan ayon sa mga kritiko.

Ayon pa kay Concepcion, maraming alam ang private sector kaugnay sa potensyal ng ekonomiya ng Pilipinas kaya nararapat lang din na makasama ito.

Samantala, para sa Go Negosyo Founder, isang malaking oportunidad ang paglahok ng Pilipinas sa World Economic Forum (WEF) dahil mai-showcase ang kakayahan nito hinggil sa pagtanggap ng investments.

 

 

Follow SMNI News on Twitter