Pamahalaang lungsod ng Malabon, namahagi ng mga school kits sa mahigit 1,600 kindergarten

Pamahalaang lungsod ng Malabon, namahagi ng mga school kits sa mahigit 1,600 kindergarten

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Malabon ng school kits sa mahigit 1,600 kindergarten pupils sa lungsod.

Ayon sa pamahalaang lungsod, nagsimula ang pamamahagi noong Martes, Enero 17, kung saan ang mga mag-aaral mula sa 6 na paaralan ay binigyan ng mga kit na naglalaman ng bag, kutsara at tinidor, lalagyan ng pagkain at tubig, isang pares ng medyas, at isang payong.

Sinabi pa ng pamahalaang lungsod na ang mga school kits para sa mga mag-aaral sa kindergarten ay bahagi ng mga programa nito para sa edukasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Education.

Samantala ang mga benepisyaryo na nakatanggap na ng kits ay mula sa Catmon Elementary School, Imelda Elementary School, Niugan Elementary School, Potrero Elementary School, Maysilo Elementary School, at Panghulo Elementary School.

Follow SMNI NEWS in Twitter