Pamamaga ng tuhod, rason kung bakit ‘di pinalaro si Bronny James vs. Warriors

Pamamaga ng tuhod, rason kung bakit ‘di pinalaro si Bronny James vs. Warriors

HINDI na muna isinama sa line-up ng mga manlalaro sa naging Summer League Game nitong Linggo, July 7 kontra Golden State Warriors ang anak ni Lebron James na si Bronny.

Sa paliwanag ng Los Angeles Lakers, namamaga ang tuhod nito kung kaya’t pinapahinga na muna ang basketbolista.

Sa Miyerkules, July 10 ay inaasahan naman na maglalaro na ito kontra Miami Heat.

Unang naglaro si Bronny para sa Lakers noong Sabado, July 06 kontra Sacramento Kings.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble