MAGSISIMULA na ang pamamahagi ng ayuda ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila sa Miyerkules, Agosto 11 o bukas.
Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan sa kaparehong araw.
Ipapaskil din ng mga alkalde ang listahan ng mga benepisyaryo at ang schedule ng pagkuha ng ayuda dahil sa banta ng COVID-19.
Dagdag pa ni Malaya, aabot sa 11 milyong residente sa Metro Manila ang inaasahang maging benepisyaryo ng nasabing ayuda.