Pamamahagi ng ayuda sa NCR plus bubble posibleng disaster

Pamamahagi ng ayuda sa NCR plus bubble posibleng disaster. Ang Cavite Governor ay nababahala sa posibleng disaster sa NCR plus bubble.

Nababahala si Cavite Governor Jonvic Remulla sa posibleng disaster sa pamamahagi ng ayuda para sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa kakulangan ng hakbang upang mapatunayan ang mga benepisyaryo nito.

Ani Remulla sa kanyang facebook post, walang sapat na mekanismo para malaman kung sino ang maabutan ng 1,000 hanggang 4,000 piso at maaari aniya itong mauwi sa disaster.

Nauna nang inaprubahan ni pangulong Rodrigo Duterte and istribusyon ng ayuda sa mga indibidwal at kabahayan na lubhang apektado sa muling pagpapatupad ng ECQ na nagkakahalaga ng 1,000 piso kada indibidwal o hindi hihigit ng 4,000 piso kada bahay.

Sinabi naman ng Department of budget and Management (DBM) na ang mga Local Government Units o LGUs ay maaaring ipamahagi ang tulong sa pamamagitan ng cash o in-kind kung saan iginiit ni Remulla na gusto ng lahat na makatanggap ng pera.

SMNI NEWS