Pamamahagi ng bisikleta sa mga health workers, sinimulan ng Taguig City

Pamamahagi ng bisikleta sa mga health workers, sinimulan ng Taguig City

SINIMULAN na ngang mamahagi ng Taguig City government ng mga bisikleta sa barangay health center para sa mga health workers.

 

Ang mga health center na nakatanggap na ng mga bisikleta para sa mga health workers ay ang Brgy. Ligid-Tipas, Brgy. Ususan, at Brgy. Napindan.

 

Ayon sa Taguig LGU patuloy itong umiikot  sa lahat ng baranggay health centers upang ang lahat ng mga nangangalaga sa kalusugan ng mga barangay ay makatatanggap nito.

 

Ang bike ang magisisilbing   alternatibong transportasyon   upang maibsan ang hirap sa pagpasok sa trabaho ng mga health worker sa Taguig City at masiguro na magampanan nang mas mahusay ang kanilang mga tungkulin.

 

Matatandaan nito lamang June 1 naipasa ang Bike Friendly Taguig Ordinance bilang hakbang patungo sa mas sustainable at healthy living sa  lungsod.

 

Sa tulong ng Bike-Friendly Taguig Ordinance binuo nito  ang active transport office na tututok sa mga paraan kung paano magiging bike friendly city ang Taguig at kung paano nila mapapalaganap ang pagbibisikleta sa lungsod.

 

Kalakip ng ordinansa ang mga karapatan at obligasyon ng mga siklista at ang mga pagsiguro ng lungsod na ligtas ang pagbibisikleta at magiging kapaki-pakinabang sa mga residente ng Taguig.

 

Dahil dito, may itinalagang lugar kung saan maaaring mag-park ng bisikleta ang mga health worker, bike lanes na magisisilbing ligtas na ruta at bike patrol team upang maayos ang kalagayan at siguraduhing ligtas ang mga gumagamit ng mga bisikleta bilang alternatibong transportasyon sa lungsod.

 

Una nang naglagay ang pamahalaang lungsod ng bike lanes sa kahabaan ng Cayetano Boulevard at Bayani Road, bukod pa rito ang ipinaayos nilang protected bike lane sa kahabaan ng C-6 Road.

 

Ipo-post din nila kada buwan sa kanilang FB page ang “bike-friendly map” kung saan makikita ang mga lugar kung saan may bike lane at mga pasilidad gaya ng shower at bike racks sa lungsod.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.