Pamamahagi ng fuel subsidy ng LTFRB, ipagpapatuloy na

Pamamahagi ng fuel subsidy ng LTFRB, ipagpapatuloy na

INAPRUBAHAN na ng Commission on Elections (COMELEC ) ang hiling na exemption sa election spending ban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pamamahagi ng mga fuel subsidy.

Nagkaroon ng COMELEC en banc ngayong araw kung saan isa sa mga tinalakay ang petisyon ng LTFRB na ma-exempt sila sa election spending ban ngayong campaign period.

Matatandaan na noong Marso 25 ay sinuspinde ng LTFRB ang pamamahagi ng fuel subsidy dahil sa naturang ban ng poll body.

Pagkatapos ng en banc, inanunsyo ng Commissioner George Garcia na aprubado na ang petisyon, pero kondisyon ng poll body, dapat maging istrikto at malinaw ang implementasyon nito.

Matatandaan na ipinatupad ng poll body ang spending ban kasabay ng kanilang kampanya kontra vote buying.

Ayon sa COMELEC, maaari na muling mamahagi ng fuel subsidy ang LTFRB kapag naipalabas na nila ang kanilang resolusyon na maaring mailabas na bukas o hanggang araw ng Biyernes.

Samantala, sa ngayon ay dalawang reklamo na ang nai-file sa COMELEC dahil sa vote buying.

Isa dito ay ang reklamo laban kay 5th District Congressional bet Rose Nono Lin mula sa Koalisyong Novalenyo Kontra Kurapsyon.

Pero ayon kay Garcia, dadaan sa due process ang reklamo.

Umaasa si Garcia na marami pang magsusumbong na gumagawa ng iligal na aktibidad ngayong campaign period.

BASAHIN: Sen. Lacson, hinimok ang Senado na aksyunan ang pagsuspinde ng fuel subsidy

Follow SMNI News on Twitter