TARGET ng Department of Transportation (DOTr) na matapos ang pamamahagi ng fuel subsidy sa 600,000 tricyle drivers sa Enero 15, 2023.
Ito ang inihayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa muling pagharap sa Commission on Appointments ngayong umaga.
Ayon kay Bautista, inatasan na ng DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makipagkoordinasyon sa mga local government unit para makumpleto ang pamamahagi ng fuel subsidy.
Sa ngayon, sinabi ni Bautista na mahigit 20,000 tricycle driver na ang nabigyan ng subsidiya at inaasahan nilang aabot sa 60% ang mabibigyan nito bago matapos ang taon.
Noong Hunyo, kabuuang 617,806 ang natukoy na kwalipikadong tricycle drivers sa buong bansa na makakatanggap ng fuel subsidies mula sa pamahalaan.