GUMAGALAW na ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para suportahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang mandato bilang Agriculture Secretary.
“The role of agriculture cries for the urgent attention that its neglect and misdirection now demand. Food self-sufficiency has been the key promise of every administration,” ang naging mandato ni Pangulong Marcos sa sektor ng agrikultura sa ilalim ng kanyang termino.
Lalo na’t personal niyang hahawakan ang posisyon bilang Agriculture Secretary.
Nakabuo naman ng hakbang ang TESDA para suportahan ang nais ng Pangulo at planong tutukan ang pagbibigay ng scholarship sa lahat ng agriculture related technical vocational courses.
“What TESDA is doing right now that we are developing highly skilled farmers. So kung makikita natin di ba may idle time ang farmers from planting and then to harvest. Dito pumapasok ang TESDA,” ayon kay Aniceto “John” Bertiz III, Aniceto “John” Bertiz III, Deputy Director for Operations ng TESDA.
Kabilang sa mga kursong pagpipilian ng mga kabataan ay ang Organic Agriculture Production NC II, Agricultural Crops Production NC II at Agro-Entrepreneurship NC II.
Matutuhan sa mga kursong ito ang paggamit ng farm tools, safety measures sa pagsasaka, matutong mag-estimate o magkalkula, irigasyon, agronomic, nursery, at maging horticultural cropwork.
Bukod sa mga ito, may mga bagong kurso rin ang TESDA sa ilalim ng Rice Extension Services Program (RSEP).
Dagdag pa dito ang Farmers Field School (FFS) on Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification, Farm Mechanization, Rice Machinery Operations NC II at Drying and Milling Plant Servicing NC III.
Lahat ng scholars na kukuha ng mga nabanggit na kurso ay magkakaroon ng P160 daily allowance, libre ang training at assessment pati entrepreneurship training at insurance.
“Yes mas magiging aggressive ang TESDA ngayon in allocating scholarship for our agriculture sector,” ani Bertiz.
“It’s not only that, we are partnering with the Department of Agriculture, National Dairy Authority, and all others. Philmec also is one of our partners. We are giving them skills training para sa ating mga kababayan,” dagdag ng opisyal.
Hinikayat naman ng TESDA ang mga kabataan na muling tignan ang magagandang oportunidad sa agrikultura.
Dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, mas mapapaunlad pa ang ating bansa sa agrikultura at maaangat sa buhay ng mga magsasaka.
“We are now trying to modernize the Agriculture process, yung mechanization po ng agriculture at lahat po ng dapat na mangyari for agriculture na mapataas ang antas ng agrikultura nire-research po namin yan lahat sa TESDA,” pahayag naman ni Dir. Gen. Rosanna Urdaneta.
Sa ngayon, halos 40,000 na mga magsasaka at kanilang dependents ang nakatapos sa Agri Tech-Voc courses sa buong bansa.