Pamamahagi ng medical assistance sa People’s Day sa Taguig City, matagumpay

Pamamahagi ng medical assistance sa People’s Day sa Taguig City, matagumpay

MATAGUMPAY na naisagawa ang People’s Day upang mamahagi ng medical assistance sa mga residente ng Taguig City.

Ito ay sa pangunguna ni 1st District Congressman Ricardo “Ading” Cruz Jr. at pakikipagtulungan ng Taguig LGU.

Ayon sa LGU, kanilang siniguro na matugunan ang medical needs ng mga residente at matulungan ang mga ito sa kanilang gastusin sa pagpapagamot at hospital bills.

Personal ding nagpunta sina Mayor Lani Cayetano at Vice Mayor Arvin Ian Alit upang pangasiwaan ang gawain at kamustahin ang mga mamamayan ng lungsod.

 

Follow SMNI News on Twitter