Pamamaril sa isang doktor sa Sultan Kudarat, kinondena ng DOH

Pamamaril sa isang doktor sa Sultan Kudarat, kinondena ng DOH

KINONDENA ni Department of Health (DOH) Sec. Ted Herbosa ang nangyaring pamamaril sa isang doktor sa Maguindanao del Sur.

Ayon sa kalihim, ang health workers ay tumutulong sa mga pasyente ngunit sakaling hindi naging kontento sa serbisyo nito ay hindi naman makatarungan na barilin o patayin sila.

Dagdag pa nito, kulang na nga ang health workers ng bansa at tinatarget pa ang mga ito.

Ang tinutukoy na doktor ay si Dr. Sharmaine Barroquillo ng Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Pinagbabaril ito ng mga nakamotorsiklo noong Pebrero 3 at lubos itong nasugatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble