Pamamaslang sa isang Pinay sa Kuwait, kinundena sa Kamara

Pamamaslang sa isang Pinay sa Kuwait, kinundena sa Kamara

MARIING kinundena ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang pamamaslang sa 35-anyos na Pinay sa Kuwait na sinunog ang katawan sa disyerto.

Ayon kay Salo, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, napakabrutal ng ginawa sa ating kababayang si Jullebee Ranara sa kamay ng anak ng kanyang employer.

Panawagan ni Salo ang agarang hustisya sa sinapit ng biktima at karampatang tulong sa naiwang pamilya nito.

Saad din nito na hindi dapat mapalampas ang sinapit sa ating kababayan lalo na’t 70% sa mga mahigit 250,000 mga Pinoy sa Kuwat ay domestic helpers.

Pinagagalaw rin nito ang Overseas Workers Welfare Administration Administrator (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) para sa ‘close coordination’ sa Kuwaiti government at pagbibigay ng financial assistance sa pamilya ng biktima.

‘’In order to minimize similar incidents, we call on the DMW and the recruitment agencies to strengthen their monitoring efforts on the welfare of our OFWs,’’ ani Salo.

Follow SMNI NEWS in Twitter