HINAMONG magpa DNA test ang pamangkin ni Pangulong Rodrigo Duterte na naninira sa kanya.
Kritikal sa administrasyon lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga pamangkin nito na ngayon ay nakabase na sa New Zealand.
Kung pagbabasehan ang mga post sa kanyang twitter, panay puna at batikos ang pahayag ni Nuelle Duterte.
Ang nakababatang Duterte na tubong Davao ay isa na ngayong psychiatrist.
Sa isang panayam, makailang beses nitong binanggit na pumapatay ng tao si PRRD.
May mga komento rin ito laban kay Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.
Kritikal rin ang mga komento nito sa war on drugs ng administrasyon.
Pero ayon sa kapatid ni Pangulong Duterte na si Jocellyn, walang personal knowledge si Nuelle sa Pangulo at sa first family.
“No, she does not! We don’t remember her as a child at my mother’s house or to be among her cousins. That’s why I was a little bit shocked about her remark concerning Sara. She does not know Sara at all, they did not grow up together. So unsay basis niya?,” ayon kay Jocellyn Roa Duterte.
Nauna namang inamin ni Nuelle na hindi ito malapit kay PRRD.
Dagdag pa ng kapatid ng Pangulo, puro kasinungalingan ang sinabi ng batang Duterte.
“Hard to believe that she could say that about the family. Maybe why don’t she get a… might as well go to court to get rid of that name if she thinks it’s part of what makes her life what!? And be done with it and go on with her life. Rather than go around talking in that manner about her family,”ayon kay Jocellyn.
Bukod riyan, kinuwestyon rin ng Presidential Sister ang pagpapa-interview ni Nuelle dahil wala naman itong alam sa pulitika.
Tingin rin nito na nagamit bilang political propaganda ang batang Duterte.
“You’re a doctor, what do you know about politics? You have been away from the family, you know nothing about it. And you start talking in such a manner? Maka-insulto? Maka-ulaw? Ug ingon pa maulaw ko para niya. I’m ashamed of what she has done. Because at the end of the day, family is family no matter what happens,”dagdag nito.
Saad pa ni Ginang Duterte, madadamay rin ang pamilyang Dominguez sa paninira ni Nuelle.
Mangyari kasi na pinsang buo ng ina nito si Finance Secretary Carlos Dominguez.
“So she should think about that too. She should consider that she’s affecting not only one family but also her own family,”ayon kay Jocellyn.
Dahil dito, hinamon ng pamilya ang naninirang Duterte na magpa DNA test.
Hinamon rin ito na magpa-papalit ng apelyido.
“Doing what you are doing now, you’re not destroying anyone but your own family and yourself. So if you feel that you don’t really have that affinity then get a DNA test and let’s be done with it. Prove to us that you are a Duterte because you claim to be a Duterte,”dagdag nito.