ISINAILALIM sa balasahan ang pitong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo, ito ay dahil sa pagretiro ng ilang opisyal.
Itinalaga si Police Major General Robert Rodriguez bilang Acting Deputy Chief PNP for Operations kapalit ni Police Lieutenant General Michael John Dubria na nagretiro noong Disyembre.
Si Rodriguez ay Hepe ng Area Police Command (APC)-Visayas Command post.
Itinalaga naman si PBGen. Jerico Baldeo bilang Officer-In-Charge Ng Directorate for Information and Communications Technology (DICTM).
Pinalitan naman ni PBGen. Roy Parena si PBGen. Ramil Montilla sa Directorate for Police Community Relations (DPCR).
Habang si Montilla naman ay itinalaga bilang Officer-In-Charge ng Headquarters Support Services (HSS).
Si PBGen. Dionisio Bartolome Jr. mula sa Police Regional Office 11 naman ang papalit kay Parena sa Central Visayas.
Papalitan naman ni PGen. Christopher Abecia si PBGen. Christopher Abrahano sa PNP Aviation Security Group (AVSEG).
Habang si Abrahano naman ay itinalaga bilang Officer-In-Charge ng Police Regional Office 13 sa Caraga.
Si Col. Mariano Rodriguez naman ang itinalaga bilang Deputy Director for Administration ng PRO-Davao.