Pambato ng Pilipinas sa Mrs. World 2022, excited na para sa Coronation night

Pambato ng Pilipinas sa Mrs. World 2022, excited na para sa Coronation night

EXCITED na para sa Coronation night ng Mrs. World 2022 ang pambato ng Pilipinas na si Meranie Rahman kasabay nito hinikayat ng beauty queen na magpabakuna na ang lahat laban sa Covid-19.

Kahapon, January 09 nang dumating si Rahman sa Estados Unidos kasama ang kanyang asawa na si Dr. Inam Rahman at ang limang taong gulang na anak nito.

Ayon kay Rahman, nais nyang maiparating sa buong mundo ang kanyang adbokasiya hinggil sa depression, postpartum depression, bullying, drug abuse awareness, gender inequality at women empowerment sa pamamagitan ng Mrs. World.

Hinggil sa Covid-19 pandemic, hinihikayat nya ang lahat na magpabakuna na at palaging sumunod sa tamang health protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng face masks at madalas na paghuhugas ng kamay.

Samantala, gaganapin ang Grand Coronation night ng Mrs. World 2022 sa January 15.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.